Monday, September 23, 2013

Buwan

Ako'y minsan nagtanong...

Ako: May ilang buwan sa isang taon?

Ordinaryong Tao: 12.

Matalinong Tao: 1.

Pilosopo: Month o Moon?

Dalawang Banat

Banat 1:

Cliven: Anong store sa SM ang palagi lang tumatawa?

Ako: Ano?

Cliven: Yamahahahahaha!!!



Banat 2:

Chris: Anong prutas ang nasa kantang "Happy Birthday"?

Ako: Ano?

Chris: Dalandan?

Me: Pano?

Chris: Dalandan-dan! Happy birthday to you! Happy birthday etc...

Kape


Isang baguhan na impleyado tumawag sa kapehan, ngunit nagkamali sa numerong tinawagan. Ang eksena:

Empleyado: "Hello, kape nga dito."

Boss: "Ahem! Kilala mu ba ako?"

Empleyado: "Hindi."

Boss: "Boss mo 'to!"

Empleyado: "Kilala mo ba ako?"

Boss: "Hindi!"

Sabay baba ng telepono ang empleyado at nag sabi "Buti na lang."

Sunday, September 22, 2013

Agaway Cija

Korean TV Drama


One time nanood kami ng mga kaibigan ko ng Korean TV drama.


Okay lang ang start pero pagkalipas ng 15 minutos, umiiyak na ang bidang babae 'tas naghirit ang isang kong kaibigan sabing....





"Daijubu desuka?"





Hiniritan ko rin, sabi ko "Hindi to Japanese, Korean to!" sabay tawa...

Altapresyon at Baka

Eksena sa isang karenderia. Isang tao may altapresyon at ang tendera.

Tao: Manang anung ulam meron jan?

Tendera: Merong pochero, nilaga, at iba pa.

Tao: Manang eto Baka ba to?

Tendera: Oo, baka....
.
.
.
.
.
.... baka BABOY.

Wednesday, September 18, 2013

Tresspassing


Hindi lahat ng "TRESSPASSING" ay masama...


Dahil sa college...


TRESS...


Passing na!

Monday, September 16, 2013

Virgin Coconut Oil

May nagtanong sa akin:

Chris: Pano mo malalaman na hindi na "virgin" ang coconut oil?

Ako: Ewan.

Chris: Hindi na "virgin" ang coconut oil 'pag natapos na gamitin sa prito!

Tawa tawa lang pag may time!

Ipaglaban mo!




Minsan may nagsabi sa akin, "'Pag mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo habang maagapa...


Kasi kung di mo aagahan...


baka tulog na yun!"

Monday, August 12, 2013

Tangong ng mga bobo, sagot ng mga pilosopo


[1] Kung ikaw si Batman, sino ang bahala sa yo?
--->Sagot ko: Si God. Kung wala sya wala si Batman eh.

[2] Sa produktong Crayola, ano ang pinagkaiba ng yellow green sa green yellow?
--->Sagot ko: Ang ikot sa color wheel. Mas prioritize ang kulay yellow sa green sa yellow green at ganun din ang green sa yellow sa green yellow.

[3] Kung ang 1 kg ay may 1000 g, ilang grams naman ang meron sa Instagram? Show your solution.

--->Sagot ko: From the root word 'insta' o 'instant' ibig sabihin ay saglit, bale isang instagram 1g sa isang saglit.

[4] Ano ang meron kay Brand X at galit na galit ang ibang brand sakanya? Explain.

--->Sagot ko: Ang 0.01%.

[5] Masasabi mo bang fair ang Ms. Universe kung lahat ng contestants at judges ay galing sa Earth? Explain.

--->Sagot ko: Yup, wala ng ibang pang may sumali eh at Earth ang host ng program

[6] Kung may mag-imbento ng powdered water, anong idadagdag mo?
--->Sagot ko: Concentrated juice.

[7] Gaano kadalas ang minsan?

--->Sagot ko: Eh di bilangin mo.

[8] How did Adele set fire to the rain? Write the chemical formula.

--->Sagot ko: Have you heard of 'Greek's Fire', Lithium + water, sodium + water or potassium + water? Try it.

[9] Kapag ang ipis nahulog sa tubig na may sabon, dudumi ba ang tubig o lilinis ang ipis?
--->Sagot ko: Depende sa perspective mo, kung sa human perspective ang ipis ang madumi pero sa ipis ka na perspective, ang tao ang madumi.

[10] Kung ang nakatusok na baboy ay barbeque, ang nakatusok na saging ay bananacue, bakit ang kabayo, carousel?

--->Sagot ko: Ang carousel ay conveyor, ang natusok sa kabayo ay merry-go-round. Tsaka, BBQ parin ang tawag sa natusok na kabayo, Horse BBQ nga lang.

[11] Kung ang tao nagmula sa unggoy, bakit may mukhang kabayo? Explain.
--->Sagot ko: Acute problem in evolution.

[12] Nauuhaw din ba ang mga isda?
--->Sagot ko: nauuhaw sa hangin.

[13] Bakit pag rush hour tsaka mabagal ang daloy ng traffic?

--->Sagot ko: Mabagal ang daloy ng trapiko dahil sa sabay-sabay silang papunta ng trabaho tuwing rush hour.

[14] Ang breakfast ba at dinner, pwedeng ilagay sa lunchbox?

--->Sagot ko: Pwede, parang tinanong mo rin kung pwede ang juice o softdrinks sa water jug.